^

Police Metro

HSWs applicants bawal hingan ng placemeNt fees

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matatanggalan ng lisensiya kung hindi ititi­gil ng mga recruiters ang pangongolekta ng placement fees mula sa mga household service workers (HSWs) applicants.

Ito ang naging babala ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator  Hans Leo Cacdac sa mga recruiter kasunod ng direktiba ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na obserbahan ang reform package ng mga recruiters para sa mga Filipino HSWs.

Ayon kay Cacdac, mayroong total prohibition sa charging ng placement fees mula sa mga Filipino HSWs, kahit pa isagawa ito bago ang kanilang pag-alis o kahit pa on-site salary deduction lamang, alinsunod na rin sa POEA Governing Board Resolution No. 6, Series of 2006.

Binalaan din niya ang mga recruiters na nagsasabing no-pla­cement fee policy pero binabawi naman sa labis-labis na pangongolekta tulad ng medical examination, training, video bio-data, at pre-departure orien­tation seminar.

Ang paglabag sa prohibition sa placement fee collection ay ikinukonsi­derang isang grave offen­se at may katapat na parusang kanselasyon ng li­sensya.

Iginiit ng administrator na batay sa regulasyon ng karamihang host country, ang mga employer ang mag­babayad ng service fee upang balikatin ang lahat ng cost of hiring at deployment ng HSWs.

AYON

BINALAAN

CACDAC

GOVERNING BOARD RESOLUTION NO

HANS LEO CACDAC

LABOR SECRETARY ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with