^

Police Metro

Job mismatch, ugat ng paglobo ng mga walang trabaho

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod umano ng job mismatch kaya patuloy ang paglobo ng mga Pinoy na walang trabaho, ito ay ayon kay TESDA Director General  Joel Villanueva.

Ayon kay Villanueva, ang kanyang pahayag ay kanyang ginawa matapos iulat ng NEDA na dumami pa ng point 6 percent ang unemployment rate nga­yong taon.

Sinabi ni Villanueva, bukod sa job mismatch, masyadong mapili rin ang ating mga kababayan sa paghahanap ng trabaho at hindi sinasamantala ang mga nagbubukas na oportunidad sa bansa.

Iginiit ni Villanueva na importante ang koope­rasyon at partnership ng mga industriya para malaman kung anong human resources ang kailangan i-produce ng pamahala­an upang makapasok sa tra­baho. Binabalangkas umano ng administrasyon ang Philippine qualifications framework at nagsasagawa ng mas malawakang pag-aaral ang ilang ahensya kung paano kukumpunihin ang curriculum sa lahat ng  levels mula sa DepEd, TESDA at CHED courses para magkaroon ng job matching.

AYON

BINABALANGKAS

BUNSOD

DIRECTOR GENERAL

IGINIIT

JOEL VILLANUEVA

PINOY

SINABI

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with