^

Police Metro

Tatay pinatay sa harap ng 2 anak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang lalaki ang isang ama sa harap ng dalawa nitong anak habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Brgy.San Francisco, Sunny Brooke 1 Subdivision, Gen. Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang ama na si Ernesto Macatangga, 45-anyos, may-asawa, trader, habang malubhang nasu­gatan ang 11-anyos nitong anak na Julie Anna na tinamaan ng ligaw na bala habang nakaligtas ang anak nitong 18-an­yos na si John Paulo Macatangga, pawang mga residente ng Section 3, Blk 6, Lot 27 ng nasabing subdivision.

Batay sa ulat, ganap na alas-8:15 ng gabi ay magkakasamang nagla­lakad ang mag-aama sa loob ng kanilang subdivision pauwi sa kanilang bahay nang harangin ito ng isang lalaki na naka-helmet at sakay ng motorsiklo.

Nilapitan nito ang biktima  at walang sabi-sabing pinagbabaril ang matandang Macatangga na kung saan ang ilan bala ay tumama sa anak.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

ERNESTO MACATANGGA

JOHN PAULO MACATANGGA

JULIE ANNA

MACATANGGA

SAN FRANCISCO

SUNNY BROOKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with