Mga magsasaka ng Hacienda Luisita kinalampag ang Korte Suprema
MANILA, Philippines -Sinugod ng mga magsaÂsaka mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac ang Korte Suprema at hiniling na maiÂpatupad na ang desisyon kaugnay sa pamamahagi ng lupaing pag-aari ng angkan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ang pagkilos ay kasaÂÂbay ng paggunita sa ika-112 anibersaryo ng KorÂte Suprema at isang araw matapos ang ika-25 aniberÂsaryo ng CARP.
Umapela ang mga magÂsasaka sa Korte Suprema na atasan nito ang Department of Agrarian Reform o DAR na madaliin ang pamamahagi ng lupain ng Hacienda.
Inirereklamo rin nila kung bakit umabot ng halos 70 libong piso ang valuation sa landholding, gayong ang orihinal na land valuation nito noong 1989 na siyang pinagbatayan ng just comÂpensation na iniutos ng Korte Suprema ay aabot laÂmang sa P40,000.
- Latest