Parak utas sa pusher
MANILA, Philippines - Utas ang isang miyemÂbro ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang pagsasaksakin at barilin ng isang suspek na kanyang inaaresto dahil sa iligal na droga, sa BaÂtasan Hills, Quezon City, kahapon ng umaga.
Nagawa pang maisugod sa Malvar Hospital si PO1 Renato Tabago 31, subalit idineklara ding dead-on-arrival makaraang magtamo ng limang saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at isang tama ng bala sa ulo.
Ayon kay SPO2 JoseÂlito Gagaza, imbestigador sa kaso, natukoy lamang niya ang suspek sa alyas na Junlie na sinasabing nagtutulak ng ipinagbabaÂwal na gamot sa nasabing lugar.
Sinabi ni SPO2 Gagaza, tinangay din ng suspek ang service firearm na kalibre 40 pistola na siyang ginamit nito sa pamamaril sa biktima.
Naganap ang insidente sa Samson St., Freedom Park, Batasan Hills, Barangay Batasan, ganap na alas-9:00 ng umaga.
Sabi ni Gagaza, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang tropa ni Tabago kasama ang mga pulis na sina PO3 Allan Segua at isang PO3 Santilices na pawang nakatalaga sa Police Station 6-Anti Illegal Drugs at isang police asset laban sa suspek, ganap na alas-8:00 ng umaga.
Sinasabing naunang pumasok ang biktima, kasama ang asset sa lugar, habang ilang metro ang layo ay nakaantabay naman ang dalawa pang kaÂsama nilang pulis.
Nang makita ng biktima ang suspek ay agad niya itong inakbayan at sunud-sunod na pinagsasaksak saka kinuha ang baril ng biktima at pinaputukan ito at mabilis na tumakas.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa suspek.
- Latest