^

Police Metro

4 tepok sa ITCZ

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sanhi ng nararanasang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na siyang dahilan para magkaroon ng mga pagbaha at landslide sa bahagi ng Mindanao Region ay nasawi ang apat na katao, dalawa ang nawawala habang mahigit 700 pamilya ang naapek­tuhan.

Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario ang mga namatay na sina Fatima Maghanoy, 12-anyos; Sherlyn Mae Maghanoy, 7; Eziquil Meziah Maghanoy, 3; pawang mga residente ng Kabalasan, Zamboanga Sibugay na nasawi  sa pagguho ng lupa at Cesar Castro, 50 ng Quezon, Bukidnon na namatay sa pagkalunod.

Ang dalawang nawa­wala ay nakilala namang sina Jonie Anastacio, 45 ng Sergio Osmena, Zambonga del Norte at Eugene Maghanoy, 9, ng Ka­basalan, Zamboanga Si­bugay.

Umaabot naman sa 775 pamilya ang naapek­tuhan ng mga pagbaha sa limang barangay sa Davao City na pansamantalang  nanuluyan sa mga evacuation center sa covered court ng Brgy. Hall na na­sasakupan ng kanilang mga lugar.

Nasa siyam na bahay naman ang nawasak at 15 kabahayan naman ang nagtamo ng pinsala sa Davao City sanhi ng flashflood matapos ang ilang araw na malalakas na pag-ulan.

Umaabot na sa P2 M ang halaga ng napinsala ng kalamidad sa agri­kultura, ari-arian at maging sa im­prastraktura sa mga na­apektuhang lugar.

 

vuukle comment

CESAR CASTRO

DAVAO CITY

EUGENE MAGHANOY

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

EZIQUIL MEZIAH MAGHANOY

FATIMA MAGHANOY

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE

JONIE ANASTACIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with