Parak ginulpi, todas sa tandem
MANILA, Philippines - Isang pulis ang piÂnagÂtulungang gulpihin ng dalawang lalaki na nakamatorsiklo at pagkaÂtapos ay kinuha ang kanyang baril at ipinutok sa mukha nito na naglagos sa likod ng kanyang ulo naganap kahapon ng madaling-araw sa Cebu City.
Namatay noon din ang biktimang si PO2 Gerlito Estremos, tinatayang mahigit 30-anyos at aktibong kasapi ng Fuente Police Station dahil sa tama ng bala ng sariling baril na cal.45 pistol na inagaw ng mga suspek.
Sa imbestigasyon, banÂdang alas-2:00 ng madaÂling-araw sa kahabaan ng P. del Rosario St., ng lungsod ay kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang biktima lulan ng motorsiklo dahil panggabi ang duty nito.
Pumarada umano ang biktima sa R. Landon St., nang biglang sumulpot ang motorcycle riÂding-in-tandem na mga suspek at agawin ang helmet.
Hinabol ng pulis ang mga suspek na inabutan niya sa kahabaan ng P. del Rosario St., hanggang sa makorner ng una ang mga suspek at nang magsibaba sa motorsiklo ay pinagtulungang bugbugin ang biktima na hindi pa nakuntento ay inagaw ang baril nito ng bumagsak sa lupa ay binaril sa mukha.
- Latest