^

Police Metro

5 gang suspects tinodas, 2 pinugutan…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Limang kalalakihan na umano ay mga miyem­bro ng isang gang ang pinagbabaril at napatay  na kung saan ang dalawa rito ay pinugutan pa ng ulo ng 10 armadong suspek na nakasuot ng bonnet, na lumusob sa kanilang hideout naganap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Romel Ramoran, 38; Ernesto Ramoran, 49; Ro­nald Ramoran, 34; pawang tinadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Itinali ng plastic straps ang dalawang biktima na sina Albert Martinez, 25 at Jomer Ramoran at pinagbabaril sa paa’t kamay bago pinutulan ng ulo.

Sinabi ni Pangasinan Police Spokesman Chief Inspector Ryan Manongdo, naganap ang krimen pasado alas-12:30 ng madaling-araw sa ba­rung-barong na tinutuluyan ng mga biktima sa Brgy. Poblacion  sa tabi ng Grand Royal Subdivision, Bugallon.

Nabatid na kasaluku­yan kumakain ang mga biktima nang pasukin sila ng mga maskarado at armadong kalalakihan na agad sinunggaban at itinali ng plastic straps sina Jomer at Albert na pinagbabaril sa paa at kamay saka pinagtataga sa ulo.

Tinangka namang uma­wat ng tatlo pang sina Er­nesto, Ronald at Romel pero pinagbabaril rin ang mga ito ng mga salarin.

Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa ma­la­mang destinasyon na si­namantala ang kadiliman ng paligid.

Narekober naman sa crime scene ang 16 cartridge at mga basyo ng bala ng cal 45 pistol,14 plas­tic straps, isang bali­song mula kay Jomer at cell phone ni Martinez.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang mga biktima ay sangkot umano sa akyat bahay, pag­nanakaw ng mga alagang hayop at iba pang illegal na aktibidad.  

Sa tala si Romel ay minsan na ring na-convict ng korte sa kasong robbery at acts of lasciviousness pero nabigyan ng parole nitong nakalipaas na hu­ling linggo ng Abril.

Malaki ang hinala ng pulisya na paghihiganti ang motibo nang pama­maslang sa mga biktima na posibleng isinagawa ng pamilya na kanilang biniktima.

ALBERT MARTINEZ

BUGALLON

ERNESTO RAMORAN

GRAND ROYAL SUBDIVISION

JOMER

JOMER RAMORAN

PANGASINAN POLICE SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR RYAN MANONGDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with