Kawani ng munisipyo tinodas ng NPA
MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng 14 kalalakihan na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kawani ng munisipyo na bagong gising kamakalawa sa Brgy. Calabad, Dimasalang, Masbate.
Ang nasawi ay kinilalang si Romar Afable, 32-anyos, casual employee ng munisipyo ng Dimasalang na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang baÂhagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng umaga nang magtungo ang mga rebelde sa bahay ng biktima sa nasabing lugar at natiyempuhan ang biktima na noo’y kagigising lamang at naghahanda para pumasok sa trabaho nang ito ay pagbabarilin.
Bago tuluyang tumakas ay nilapitan ng mga armadong suspek ang biktima saka muling pinagbabaril upang makasigurong patay na ang target.
- Latest