^

Police Metro

Paggamit ng PCOS sa susunod na eleksiyon haharangin

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Maglulunsad na nang mga sunud-sunod na kilos-protesta ang isang multi-sectoral watchdog upang tutulan na ang paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machine sa mga susunod na eleksyon.

Kaya’t nanawagan  si Fr. Joe Dizon, tagapagsalita ng Kontra Daya, sa publiko na makiisa sa protesta at igiit ang pananagutan ng Comelec at Smartmatic sa katatapos pa lamang na eleksyon na nabahiran umano ng mga anomalya.

Nito lamang nakalipas na linggo, inamin ng Comelec na mayroong discrepancy sa resulta ng random manual audit (RMA) at sa resulta ng botohan na galing sa mga PCOS Machine.

Una na ring kinumpirma ni Brillantes na nagkaroon ng problema sa computerized transmission ng resulta ng mga boto.

Giit ni  Dizon na ang mga nasabing pag-amin ay patunay na dahil sa paggamit ng PCOS machine ay nakompromiso ang integridad ng eleksyon kaya dapat lamang na managot ang mga nagpasimuno ng paggamit ng nasabing makina.

BRILLANTES

COMELEC

DIZON

GIIT

JOE DIZON

KAYA

KONTRA DAYA

MAGLULUNSAD

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with