^

Police Metro

Holdaper dedbol sa kuyog ng taumbayan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na pinaabot sa himpilan ng pulisya ang isang hinihinalang holdaper nang ito ay pag­tulungang bugbugin at saksakin ng galit na taum­bayan na hu­mabol dito ma­karaang hol­dapin ang mga pasahero ng isang bus, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang suspek na nasa­wi ay nakilalang si Ariel Chentes, 38 ng 34 Block 17 Saint Cecille St., Mari­caban, Pasay sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan. 

Arestado naman ang hi­nihinalang kasamahan ni Chentes na si Bernardo Ylanan, 54-anyos, ng Pio del Pilar, Makati City na tumanggi sa akusasyon at sinabing pasahero rin siya ng bus na naholdap at kasama sa humabol sa mga totoong holdaper.

Nasugatan naman ang traffic enforcer na si Dar­vin Pasilona, 33-anyos, mi­­yembro ng Pasay Traffic Management Office, maka­raang tamaan ng bala sa kaliwang kamay matapos na mamaril ang mga hol­daper.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang magdeklara ng holdap si Chentes at isa pang kasamahan na kapwa armado ng baril sa loob ng Gasat/Valino Express bus sa kahabaan ng EDSA.

Matapos malimas ang pera at mahahalagang gamit ng mga pasahero ay tu­makas ang mga ito na kung saan ay agad na nakahingi ng saklolo ang mga pasahero sa mga traffic enforcers sa lugar kaya nag­karoon ng habulan at dito ay tumulong sa paghabol ang iba pang lalaki sa lugar kaya nagpaputok ang mga holdaper.

Minalas na inabutan ng mga galit na taumbayan si Chentes at  pinagtulungang  gulpihin habang inaalam pa kung sino ang sumaksak.

ARIEL CHENTES

BERNARDO YLANAN

CHENTES

MAKATI CITY

PASAY CITY

PASAY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

SAINT CECILLE ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with