^

Police Metro

Police station hinagisan ng granada

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasindak sa takot ang mga pulis na naka-duty sa QCPD-Fairview Police Station matapos na hagisan ng granada ng hindi pa kilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo ang harapan ng kanilang police station na matatagpuan sa kahabaan ng Pearl St., Brgy. Fairview ng nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw at sa ka­butihang palad ay hindi ito sumabog.

Ayon kay Superintendent Eleazar Matta, hepe ng Fairview Police Station, ganap na alas-2:48 ng madaling-araw nang hagisan ng granada ang kanilang police station na tumama sa salamin ng harapan ng pintuan ng istasyon.

Dagdag ng opisyal, wa­lang nakakita kung sino ang naghagis ng granada kahit ang tatlo niyang tauhan naka-duty nang maganap ang paghagis ng granada.

Sa takot na posibleng sumabog ang granada, agad na itinawag nila ito sa tropa ng Quezon City Police District’s Explosives and Ordnance Division (QCPD-EOD) na nagsagawa ng safe procedure at retrival sa nasabing bomba.

Ayon naman kay Inspector Noel Sublay, hepe ng QCPD-EOD, ang granada ay tunay pero hindi na maaring sumabog dahil tinanggal ang pulbura.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DAGDAG

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

FAIRVIEW POLICE STATION

INSPECTOR NOEL SUBLAY

PEARL ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SUPERINTENDENT ELEAZAR MATTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with