SB inIndorso ni P-Noy para maging speaker
MANILA, Philippines - Inindorso kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga kaalyadong kongresista na maging pinuno muli ng Kamara sa 16th Congress si House Speaker Feliciano “SB†Belmonte Jr.
Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang na ginawa ni Pangulong Aquino ang pag-eendorso kay Speaker Belmonte sa ginawang luncheon sa Palasyo na handog ng chief executive sa mga nanalong kandidato ng Liberal Party (LP) sa congressional race nitong May 2013 elections.
Wika pa ni Carandang, umaasa na maitutuloy ni Speaker Belmonte ang pamumuno sa Kamara sa 16th Congress upang maisulong ang mga panukalang batas na lalong magsusulong sa magandang kinabukasan ng Pilipinas sa pamamagitan ng ‘tuwid na daan’.
Muling nanalo si Belmonte bilang 4th district congressional representative sa Quezon City sa ilalim ng LP. Bukod kay Belmonte ay nanalo rin ang LP congressional bets na sina Rep. Bolet Banal (3rd district), Francisco Calalay sa 1st district, Alfredo Vargas sa 5th district, Christopher Belmonte sa 6th district, Winston Castelo sa 2nd district ng Quezon City.
Majority pa rin ang Liberal Party sa Mababang Kapulungan matapos maraming LP candidates ang nanalo sa nakaraang May 2013 elections bukod sa mga kaalyado nitong nanalo rin sa nakaraang eleksyon mula sa Nacionalista Party, Laban ng Demokratikong Pilipino at Nationalist Peoples Coalition (NPC).
Inaasahan namang ang itatapat ng oposisyon kay Speaker Belmonte ay si Lakas president at Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Romualdez. – Rudy Andal, Gemma Garcia –
- Latest