Patayan sa Baseco ikinaalarma ng pulisya
MANILA, Philippines -Ikinaalarma na ng puÂlisÂya ang magkakasunod na pagpatay sa ilang bahagi ng Baseco Compound, Port Area, Maynila ng mga hindi pa kilalang suspek na hinihinalang miÂyembro ng sindikato na nagkukuta sa lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pagbabarilin ang isang laÂlaki na bumisita lang sa mga kaanak nito sa nasabing lugar.
Nitong Mayo 25, isang retired Philippine Coast Guard (PCG) na si Domingo Ramirez Jr., 51, residente ng Habitat, Baseco Compound, Port Area, Maynila ay pinagbabaril din at sinasabing kakandidato bilang tserman sa lugar ngayong OkÂtubre.
Isa pang di kilalang lalaki na dayo din sa lugar ang pinagbabaril at napatay dahil sa tinamong 11 tama ng bala sa katawan sa bahagi ng Block 9, BaÂseco Compound noong Mayo 10.
Kahapon ng alas-6:00 ng umaga, matapos itumba si Canapia ay natagpuang patay ang duguang deliÂvery boy na si Michael Abad, 31, ng Aplaya, BaÂseco Compund, na may apat na tama ng bala sa katawan.
Bukod pa ito sa halos linggo-linggo at magkakasunod na patayan sa Baseco Compound nitong taon at mga nakalipas na taon.
- Latest