^

Police Metro

Pekeng TV director tiklo sa entrapment

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa 50 katao mula sa lalawigan ng Batangas, Laguna at Quezon ang naloko ng isang lalaki na nagpanggap na isang television director at nakatangay ng malaking pera sa mga magulang ng bata.

Ang suspek na nadakip sa isinagawang entrapment ay nakilalang si Estivoh Biton Aposaga, 29, residente ng  Unit 702 Manly Mansion Compound, San Sebastian St., Quiapo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes nang arestuhin si Aposaga sa Southern Cross Hotel, Room 405 M.H. Del Pilar, Ermita, Maynila kaugnay sa panghihingi ng diumano’y proces­sing fee para sa Department of Labor and Employment (DOLE) permit ng mga menor de edad na magtatrabaho sa showbiz.

Ang mga nabiktima ng suspek ay pawang hiningan ng halagang mahigit P2,000 bukod pa sa ilang pina­ngakuan na nakapagbigay ng hanggang P50,000 sa ilang mga pagkakataon.

Napako ang mga pa­ngako ng suspek na ilalabas sa teleserye ng GMA-7 Network ang mga bata dahil sa konektado umano siya dito.

vuukle comment

APOSAGA

BATANGAS

DEL PILAR

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ESTIVOH BITON APOSAGA

MANLY MANSION COMPOUND

MAYNILA

SAN SEBASTIAN ST.

SOUTHERN CROSS HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with