Trak driver todas sa sinuwag na bahay
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang driver ng ten wheeler truck habang dalawa ang nasugatan matapos na salpukin nito ang isang bahay na nasa tabi ng Quirino Highway, Brgy. San Vicente, Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Joffrey Jacob, 50-anyos, ng Daraga City, Albay na naipit ang katawan sa loob ng minamanehong trak.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Editha Garcia, nakatira sa bahay na sinuwag ng trak at Richard Perez, helper ng nasawi at residente ng Legazpi City.
Masuwerte namang nakaligtas ang apo ni Editha na kinilalang si James David Garcia, 7-anyos na nagkataong nasa loob din ng bahay ng mangyari ang insidente.
Batay sa ulat, bandang alas-12:20 ng tangÂhali habang bumaÂbagtas ang trak sa paÂkurÂbadang direksyon ng Quirino Highway nang masiraan ito ng makina at mawalan ng kontrol sa manibela naging dahilan at tuluy-tuloy na sinuwag ng trak ang bahay na pagmamay-ari nina Cerilo at Lolita Garcia.
- Latest