^

Police Metro

Doktor, misis todas sa ambush­

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga suspek na nakamotorsiklo ang isang doktor at misis nito sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa highway ng Brgy. Acao, Bauang, La Union.

Kinilala ni Chief Ins­pector Reynaldo Lizar­do, hepe ng Bauang Police ang mga nasawing biktima na sina Dr. Mario “Ching” Valera, 50; at misis nitong si Viana Vale­ra, 48.

Batay sa ulat, kasalukuyang pauwi na ang mag-asawa sa kanilang bahay lulan ng isang ku­lay itim na Montero Sports vehicle (NOE 518) nang sundan  ng riding in tandem.

Pagtapat sa behikulo ng mag-asawa ay agad binaril ng naka-angkas sa motorsiklo ang mag-asawa na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang doktor habang binawian naman ng buhay ang mi­sis nito habang nilalapatan ng lunas.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

 

vuukle comment

ACAO

BATAY

BAUANG POLICE

CHIEF INS

DR. MARIO

LA UNION

MONTERO SPORTS

REYNALDO LIZAR

VIANA VALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with