Mag-aamang Ampatuan, 75 pa ‘Not Guilty’
MANILA, Philippines -Naghain kahapon ng “not guilty plea†nang basaÂhan ng sakdal sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jocelyn Reyes-Solis ang mag-aamang sina daÂting Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., kapatid na si dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) GoÂvernor Zalday Ampatuan at 75 na iba pa sa kasong Maguindanao massacre ng ika-58 biktima na si Reynaldo Momay.
Nabatid na noong laÂmang nakaraang taon nakumpirma ng mga forensic experts na kay Momay ang natagpuang baÂhagi ng pustiso sa lugar ng krimen kaya iniutos ng Department of Justice ang pagsaÂsampa ng panibagong kaso sa mga akusado base na rin sa kahilingan ng pamilya nito.
Magugunitang patuÂngo ng Comelec Office ang convoy na pinanguÂngunahan ng misis ni daÂting Buluan Mayor Ismael “Toto†Mangudadatu kaÂsama ang mga mamamahayag nang harangin at pagbabarilin umano ng mga akusado sa paÂnguÂnguna ni Ampatuan Jr..
Muling itinakda ang pagpapatuloy na pagdinig nang Maguindanao massacre sa Hunyo 5.
- Latest