^

Police Metro

NBI naglatag ng proseso sa pag-iimbestiga ng Taiwan sa Balintang Channel incident

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglatag ng proseso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga Taiwan authorities na sumang-ayon sa isasagawa nilang imbestigasyon ka­ugnay sa pagkamatay ng isa nilang mamamayan na nabaril  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumasok sa Ba­lintang Channel nang walang permiso mula sa  pamahalaan.

Alinsunod sa kasun­duan, uunahin muna ang pagsasagawa ng bal­lis­tic examination o pagsu­suri sa mga armas na ginamit sa Balintang Chan­nel incident na nag­tapos sa kamatayan ng mangingisdang si Hung Shih Chen.

Ayon kay NBI De­puty Director Virgilio Mendez, matapos ang bal­listic examination ay susunod na susuriin ang mga  sasakyang pandagat na sinakyan ng mga per­sonnel ng Philippine Coast Guard o PCG.

Ang mga susunod ani­yang gagawin matapos ang naturang proseso ay saka pa lamang nila ta­ta­­lakayin sa susunod na gagawin ng mga im­bestigador ng Taiwan.

Handa rin aniya silang ipakita sa Taiwanese in­ves­tigators ang video foo­tage sa nasabing insi­dente.

Kasama sa mga huma­rap sa pagpupulong kanina ay sina Mendez, Atty. Art Aviera ng Manila Economic Cooperation o MECO, Taiwan chief prosecutor Lin Yen Liang at iba pang opisyal ng NBI at Taiwan.

Hindi pa naman mati­yak ng NBI kung gaano katagal mananatili sa Pili­pinas ang Taiwanese investigators, subalit ang inisyal na usapan ay 3 araw lamang na maaari pang mapalawig.

Kabilang sa mga im­bes­tigador ng Taiwanese ay sina Investigator pro­secutors Lin Yeng Liang; Liu Chia Kai; Tseng Shih Che; Chang Hung Jui; investigators Lee Jia Jinn, forensic; Lee Jing Wei, firearm at Lin Guh Tyng, technician.

ART AVIERA

BALINTANG CHAN

CHANG HUNG JUI

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

HUNG SHIH CHEN

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with