PCG pumalag sa report ng NBI
MANILA, Philippines - Pumalag at hindi nagustuhan ng Philippine Coast Guard (PCG ) ang umanoy lumabas na report ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y kapabayaan nila sa naganap na insidente na ikinamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.
Ayon kay PCG spoÂkesÂman Armand Balilo, hindi dapat na pangunahan ang report hangga’t hindi natatapos ang parallel investigation ng mga itinalagang forensic investigator ng kagawaran.
Lumalabas sa inisyal findings na nagkaroon umano ng kapabayaan sa mga personnel ng coast guard.
Dahil dito, posibleng maharap ang mga ito sa kasong kriminal maliban pa sa administratibo dahil sa paglabag sa rules of engagement, paggamit ng dahas o pwersa at neglect of duty.
Ayon pa sa report, nagkaroon ng fatal na pamamaril sa Taiwanese fishing vessel na sinasabing may mahigit 50 bullet holes.
- Latest