Pagkuha ng mga bagong pulis mas hihigpitan
MANILA, Philippines - Upang huwag nang duÂmami pa ang bilang ng mga bugok na pulis na naÂsasangkot sa korapsyon at kasong kriminal ay mas paÂhihigpitin ngayon ng NaÂtional Capital Regional Police Office (NCRPO) ang aplikasyon ngayong taon para sa mga nais na maging pulis.
Pinaalalahanan ni NCÂRPO Director Leonardo Espina ang mga aplikante na tanging mga matitino lamang at may puso para sa tapat na paglilingkod ang kailangan ng Philippine National Police (PNP) at hindi iyong may ambisyon lamang para magkaroon ng kapangyarihan para mang-abuso ng kapwa.
Sa umiiral na polisiya, kailangan ang aplikante ay isang Filipino citizen, may edad 21 hanggang 30-anyos, may hawak na Bachelor’s Degree sa kolehiyo at may “good moral characterâ€.
Kailangan ding pumasa ang mga aplikante sa pagÂsuÂsulit na ibinibigay ng National Police Commission (Napolcom), Professional Regulatory Commission (PRC), o ng Civil Service Commission (CSC).
Nararapat din na hindi ito naging “dishonorably discharged†sa serbisyo sa military o naidismis sa traÂbaho sa anumang ahenÂsya ng pamahalaan, waÂlang naka-pending na kaÂsong kriminal, at hindi nasentensyahan sa anumang kasong kriminal.
Ang mga kuwalipikaÂdong aplikante ay kailangang maghanda ng isang file folder kung saan nakalagay ang pirmadong CSC Form 212, birth certificate (NSO), ulat ng mga kinuhang “eliÂgibilityâ€, transcript sa mga pinasukang paaralan, diploma, Barangay, Police, court at NBI clearances, at isumite sa Recruitment and Selection Section (RSS) ng Regional Personnel and Records Management Division sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Pinaalalahanan naman ni Espina ang RSS na maÂhigpit na salain ang mga aplikasyon upang makatiyak na hindi malulusutan ng mga bugok na nais maging pulis.
Kapag napili na, daraan ang mga aplikante sa Neuro-Psychiatric Exam, Physical Agility Test, Physical/MeÂdical/Dental Exam, at Final Board Interview (FBI) na isasagawa ng chairman ng screening committee, ilang NCRPO Key Officers at kiÂnaÂtawan ng ilang non-goÂvernment organizations.
- Latest