^

Police Metro

NCRPO may utang na P155-M sa kuryente

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Aabot sa P155 milyon ang utang ng National Ca­pital Regional Police Office kuryente sa lahat ng district headquarters at istasyon sa Metro Manila.

Ito ang inamin ni Sr. Supt. Rene Aspera, hepe ng Regio­nal Logistics Division ng NCRPO, taong 1995 pa nang mag-umpisa ang pag­ka­kautang ng pulisya sa Manila Electric Company (Meralco).

Sinisikap naman uma­nong masolusyunan ng pa­mu­nuan ng PNP upang hindi maapektuhan ang ka­­ni­lang mga operasyon sakaling maputulan ng kur­yente kabilang ang pinir­ma­hang “memorandum of agreement” sa panahon ni dating PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome sa pagitan ng Meralco noong nakaraang taon ng sistema ng pagbabayad. Nabatid na sasagutin ng NCRPO ang P2 milyon sa P8 milyong pag­kakautang ng Manila Police District sa konsumo sa tubig sa May­nilad upang maibalik na muli ang supply ng tubig.

Ipinaliwanag pa nito na ang magiging balanse na utang sa tubig ng MPD ay magiging pasanin na ng nasabing tanggapan at kina­kailangan buwan-buwan na nila itong babayaran.

Hindi lang ang MPD ang baon sa utang sa tubig.  May pagkakautang rin umano ang Northern Police District na aabot sa P4-mil­yon kung saan naputulan na rin ito ng supply. Mayroon ding utang ang QCPD na aabot din sa mil­yon at ilang istasyon sa SPD parti­kular sa Makati. Wala na­mang utang ang EPD dahil sa sinasalo ng lokal na pama­halaan ang gastusin.

DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

LOGISTICS DIVISION

MANILA ELECTRIC COMPANY

MANILA POLICE DISTRICT

MERALCO

METRO MANILA

NATIONAL CA

NORTHERN POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with