Holdaper utas, 1 pa sugatan sa shootout
MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang holdaper ang nasawi habang ang kasama nito ay nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District-Station 9 kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Namatay noon din ang suspek na kiÂniÂlalang si Jimboy Abadami, ng Sta. Barbara, Zamboanga City habang nakaÂratay ngayon sa Ospital ng Maynila mataÂpos masugatan ang kasamahan nitong si Lando Lim, 29, ng no, 2164 B Leveriza St., Malate, Maynila.Habang isa pang kasama ang nakatakas.
Batay sa ulat, bago naganap ang shootÂout dakong alas-7:43 ng gabi malapit sa Paraiso ng Batang Maynila, Quirino AveÂÂÂnue, Malate, Maynila, isang Marvin Blando, 36 ng Leveriza St., Pasay City ang dumulog sa MPD-Station 9 kaugnay sa panghuholdap sa kaniya ng 3 lalaki kung saan natangay ang kanyang silver neckÂlace (P1,500); cell phone (P9,000)at P1,500 cash.
Sinamahan nina SPO1 Luis Rufo at PO1 Paul Bermudez ang biktima sa lugar kung saan siya hinoldap at pagdating malapit sa Paraiso ng Batang Maynila ay nakita at itinuro ni Blando ang mga nangholdap sa kanya na naglalakad.
Palapit pa lamang sina Rufo at BerÂmudez sa mga suspek nang nagtakÂbuhan ang mga ito sabay nagpaÂputok kaya’t gumanti din ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Abadami habang tinamaan sa hita si Lim.
Nakuha sa pag-iingat ni Abadami ang isang kalibre 22 at narekober din sa mga suspek ang mga natangay mula sa biktima.
- Latest