Buhay partylist nangunguna
MANILA, Philippines -Sa isinasagawang partial at official canvassing ng Commission on Elections (Comelec), tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang Buhay partylist ang siyang nangunguna sa bilangan.
Batay sa datos ng NBÂOC, ang Buhay Hayaan YuÂmabong o BUHAY ay may 1,255,734 boto; nangunguna rin sa bilaÂngan ang Advocacy for Teachers Empowerment Through Action CoopeÂration and Harmony Towards Educational Reforms na may 1,033,873 boto; Bayan Muna na may 945,639; 1st Consumers Alliance for Rural Energy Inc. na may 931,303 boto; Akbayan Citizens Action Party na may 820,351 boto.
Sumusunod naman ang Ako Bicol na may 761,115 boto; ABONO na may 753,161 boto; OFW Family Club na may botong 735,854; GABRIELA na may 706,194 boto at ang Coalition of Association of Senior Citizens in the Philippines na may botong 671,916.
Ayon sa batas, ang mga partidong makakakuha ng minimum na 2% ng total valid votes cast para sa party-list system ay makakakuha ng isang pwesto sa Kamara de Representantes ngunit hindi naman pinahihintulutan ang isang partido na makakuha ng higit sa tatlong party-list seats.
Kailangang makaÂpagÂproklama ng 58 party-list seats ang NBOC, o 20% ng kabuuang bilang ng mga kinatawan sa Kongreso.
- Latest