^

Police Metro

Ginang utas sa SLEX, 2 lalaki sa NLEX

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 58-anyos na si Maria The­resa Luz ng Forbes Park, Makati City dahil sa tina­mong internal inju­ries habang ang driver nitong si David Erosel ay nasugatan matapos bu­maliktad ang  kanilang Mazda 3 (TQY-178) sa South Luzon Expressway (SLEX) malapit sa Sucat Exit sa Parañaque City kamakalawa ng alas-11:08 ng gabi.

Batay sa ulat, bumang­ga sa gutter ang gulong ng itim na Mazda 3 na mi­namaneho ni Erosel hanggang sa mawalan ng kontrol at bumaliktad.

Nasawi naman sina Gary Ramos, helper at Nilo Ibayan, 38, pasahero ng Victory Liner bus (CVS-673) habang su­ga­tan ang siyam na ka­tao matapos araruhin ng bus ang dalawang naka­paradang dump truck (UHC-494) sa ka­­habaan ng North Lu­zon Ex­pressway (NL­EX) sa Caloocan City ka­ma­ka­lawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Caloo­can City Police, Traffic Bureau, naganap ang in­­si­dente dakong alas-10:30 ng gabi  sa kahabaan ng NLEX ng naturang siyudad.

 Nabatid, na naka­parada ang dalawang dump truck sa naturang lugar, nang araruhin ito ng  bus na minamaneho  ni Amado De Guzman.

Napuruhan si Ra­mos habang inaayos nito ang kahoy na stopper ng na­­­tu­rang dump truck at na­pitpit naman sa loob ng bus si Ibayan.

vuukle comment

AMADO DE GUZMAN

BATAY

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

DAVID EROSEL

FORBES PARK

GARY RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with