Fisheries agreement sa Taiwan ok kay P-Noy
FORT SAN FELIPE, Cavite City, Philippines – Upang maiwasan ang anumang sigalot ay bukas si Pangulong Benigno Aquino lll sa pagÂkakaroon ng fisheries agreement sa Taiwan at iba pang neighboring countries.
Ito ang inihayag ni PaÂngulong Aquino sa ambush interview na wala siyang pagtutol sa pagkakaroon ng fisheries agreement sa Taiwan at pinag-aaralan na kung walang lalabaging Konstitusyon.
Dapat anya ay pag-usaÂpan muna ang isyu ukol sa napatay na 65-anÂyos na Taiwanese fisherman ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel sa Batanes.
“Tapusin muna natin ‘tong kasalukuyan na issue. Merong mga paunang dayalogo tungkol diyan. Pero ‘yung sa fisheries, ating pinaaaral na ito, mga limitasyon natin. ‘Yung ating national patrimony provisions of the ConsÂtitution will come into play. After we finish this issue, we will talk to every neighbor that we have, [for the issue of] peaceful and equally prosperous relations with everybody,†paliwanag pa ng Pangulo.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa Taiwanese leaÂders dahil sa pagsisiguro nito sa kaligtasan ng mga OFWs na nasa Taiwan mula sa pag-atake mula sa mga galit na Taiwanese kaugnay ng pagkamatay ng kanilang kababayan.
Aniya, natapos na ng NBI ang kanilang imbesÂtigasyon maliban na lamang sa physical exaÂmination ng Taiwanese fishing vessel kung saan nakasakay ang 65-anyos na mangingisda.
Inatasan din nito si FoÂreign Affairs Secretary Albert del Rosario na alamin ang report na si MaÂnila Economic and Cultural Office (MECO) managing director at resident representative Antonio Basilio ay nag-commit sa Taiwan para sa joint investigation sa insidente na tinutulan ng gobyerno ang joint probe kasama ang Taiwan.
- Latest