8-anyos todas sa 12-anyos kuya
MANILA, Philippines - Inakalang laruan ang isang shotgun na ipinutok ng isang 12-anyos na batang lalaki sa kanyang 8-anyos na kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Siay, Zamboanga Sibugay.
Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Jonel Rufino Rosal.
Habang nasa state of shock naman ang kapatid na itinago sa pangalang Ramil.
Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi ay nagÂlalaro ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sibuguey, Siay ng taguan nang makita ng suspek ang shotgun na nakatago sa ilalim ng kama sa loob ng isang silid na inuokupa ni Dasio Lumbuanon sa naturang bahay.
Sa pag-aakalang laÂruan ay agad na itinutok ng suspek ang baril sa kaniyang kapatid saka kinalabit ang gatilyo nito na sumapul ang bala sa dibdib ng biktima na duguang napabulagta sa inÂsidente.
Napasugod ang ina ng mga biktima sa pinagmulan ng putok at humahaÂgulgol itong niyakap ang duguang anak na wala ng buhay.
- Latest