Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco pumanaw na
MANILA, Philippines - Pumanaw kahapon ng madaling-araw matapos ataÂkehin sa puso si Cavite ProÂvincial Prosecutor EmÂmanuel Velasco.
Nagpaabot ng pakikiraÂmay ang Department of JusÂtice (DOJ) sa pamilya at mga kaibigan ni Velasco na nilarawan ni Justice SecÂretary Leila de Lima biÂlang isang dedicated public servant.
May punto pa umano na naging matigas ang ulo ng opisyal pero kahit pa umano hindi tanggap ng karamihan ang isang partikular na desisyon, hindi iyon hadlang para hindi niya panindigan o gawin ang bagay na naiisip niya ay tama.
Isa umano si Velasco sa mga malugod na tumanggap sa kanya sa unang araw sa kagawaran.
Sinabi pa ni De Lima na ang matatag na karakter ni Velasco ang naging sanÂdata niya sa pagharap sa mga hamon bilang public prosecutor at pinuno ng ProÂsecutor’s Office ng Cavite.
Ang kanya umanong pagÂpanaw ay isang malaking kaÂwalan sa mamamayan ng Cavite, sa National ProÂÂseÂÂcuÂtors Service at sa buong kaÂgawaran.
- Latest