^

Police Metro

Mukha sinabuyan bago tangayin ang bag… binata inasido ng holdaper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi patalim o baril ang ginamit ng holdaper sa kanyang biktima kundi pagsaboy ng asido sa mukha at pagkatapos ay ti­nangay ang dala nitong bag kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Hindi pa makunan ng pahayag ang biktima na nakilalang si August Bautista, 29-anyos, salesman ng Toyota-Manila Bay at naninirahan sa 504-B Cluster IV Chateau Elysee, Bicutan, Taguig City dahil sa hindi pa makapagsalita habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng matinding paso sa mukha.

Sa salaysay ng kaibi­gan ng biktima na si Rit­chie Delotina, 33-anyos, bank employee sa pulis­ya, dakong alas-2:40 ng hapon sa may Bay Garden Compound sa Metrobank Avenue, EDSA Extension ng lungsod ay sinundo niya ang biktima para ma­kasabay na umuwi.

Sandali silang huminto sa gilid ng EDSA upang magkarga ng tubig sa radiator ng kanyang kotse at habang nasa labas sila ng sasakyan, isang lalaki na nasa edad 30-anyos, ma­tangkad at nakasuot ng sando at short pants ang lumapit kay Bautista at biglang sinabuyan ito ng asido sa mukha.

Dahil sa matinding hapdi, nabitawan ni Bautista ang hawak na shoulder bag na may laman uma­nong P60,000 cash, cellular phone, at iba pang personal na gamit saka nagtatakbo papasok sa comfort room ng Toyota showroom upang buhusan ng tubig ang napasong mukha. 

Dito na dinampot at tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Roxas Boulevard.

Lumabas sa imbesti­gasyon na maaaring pla­nado ang insidente at paghihiganti ang moti­bo ng krimen makaraang mabatid na tinangka ring sabuyan ng asido sa mukha ang biktima may apat na buwan na ang na­kakalipas sa isang gas station sa may Macapagal Avenue sa Parañaque City.

AUGUST BAUTISTA

B CLUSTER

BAUTISTA

BAY GARDEN COMPOUND

CHATEAU ELYSEE

MACAPAGAL AVENUE

METROBANK AVENUE

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with