^

Police Metro

School supplies tataas ang presyo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakda umanong tumaas ang presyo ng school supplies ngayong nalalapit na pasukan kung kaya’t inabisuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko lalo na ang mga ina na mamili na ng maaga.

Subalit, sinabi ni DTI-NCR Director Ferdinan Manfoste na huwag lamang presyo ng mga produkto ang isaalang-alang ng mga mamimili ngunit mas pagtuunan ng pansin ang kalidad ng kanilang binibili tulad ng mga imported na mga “school supplies” galing China ngunit mababa naman ang kalidad kumpara sa mga local na gawa sa Pili­pinas. 

Mas mainam anyang bilhin ang mga produkto na may “label” at nakasulat ang pangalan at “contact information” ng “manufac­turer” upang mahabol ng mga mamimili kapag nagkaroon ng problema.

Tiniyak naman ng DTI na may sapat na suplay ng “school supplies” bago ang pasukan. 

Inilunsad na rin ng ahensya ang kanilang “Diskuwento Caravan” nitong Mayo 6 pa sa opisina sa Gil Puyat Avenue, Makati City kung saan makakabili ng mga school supplies na pampabrika ang presyo.  Magtatagal ang “Diskuwento Caravan” hanggang Hunyo 15.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIRECTOR FERDINAN MANFOSTE

DISKUWENTO CARAVAN

GIL PUYAT AVENUE

HUNYO

INILUNSAD

MAGTATAGAL

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with