Misis inaway ng mister nagbigti
MANILA, Philippines - Posibleng dinamdam ng isang 24-anyos na giÂnang ang naging pag-aaway nilang mag-asawa at sa umano’y sama ng loob ay nagpasya itong magbigti gamit ang lubid ng duyan naganap kamaÂkalawa ng gabi sa Brgy.Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Fritz Aguado, ng Blk. 40, Lot 5, Zone 5, Bautista, Brgy. Sampaloc 4.
Bago ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-9:30 ng gabi ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng mister na si LauÂrence.
Umalis si Laurence upang mahinto ang pagtatalo kaya’t nang bumalik ito ng nasabing oras sa kanilang bahay ay bumulaga sa kanya ang nakaÂbigting misis.
Nakita rin sa kaliwang kamay ng biktima na may hiwa ang pulso nito na poÂsibleng naghiwa muna ang biktima bago nagbigti.
- Latest