^

Police Metro

Guro ginulpi ng mister na pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaaresto ng isang misis ang kanyang asawang pulis dahil sa hindi na umano nito makaya ang ginagawang panggugulpi sa kanya sa tuwing ito ay malalasing.

Ang suspek na posibleng matanggal sa serbisyo ay nakilalang si PO3 Jesus Manaois, 35, nakatalaga sa QCPD-Tactical Operation Center.

Ayon sa reklamo ng bik­tima na si Marichelle Marawis, guro, madalas umano silang saktan na mag-iina ng suspek sa tuwing ito ay malalasing.   

Ang huling insidente umano ay nangyari noong Mayo 19 nang umuwing la­sing ang mister at nagalit nang hindi agad niya ito napagbuksan ng pinto. 

May mga pagkakataon pa umanong tinututukan siya ng baril ng mister sa tuwing sila’y nagtatalo, sanhi para magdesisyon siyang ireklamo na ito.

Nakakulong ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.

 

vuukle comment

AYON

JESUS MANAOIS

MARICHELLE MARAWIS

NAKAKULONG

PINAARESTO

REPUBLIC ACT

TACTICAL OPERATION CENTER

VIOLENCE AGAINST WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with