^

Police Metro

Ginang kinompronta ang nambatok sa anak, inutas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa halip na humingi ng paumanhin ay saksak pa ang ibinigay sa isang 27-anyos na ginang ng isang lalaki na bumatok sa anak ng una kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay nakilalang si Sheila Eb­dane, nakatira sa isang im­provised na kariton na nakaparada sa Juan Luna St., Tondo sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ang suspek na isang lala­king nagtitinda ng pakwan, nasa 40-45-anyos.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo ay nagsumbong ang anak ng biktima na si Hazel, 11-anyos tungkol sa umano’y madalas na pambabatok ng suspek.

Kaya’t pinuntahan ng biktima ang suspek sa kanyang puwesto at kinompronta ito, subalit imbes na humingi ng paumanhin ay kumuha ng kutsilyo sa ilalim ng kanyang kariton ang huli at patraydor na sinaksak ang una at pag­katapos ay mabilis na tuma­kas.

vuukle comment

BATAY

CHACON STS

JUAN LUNA

JUAN LUNA ST.

KAYA

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

PINAGHAHANAP

SHEILA EB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with