LP maghahari pa rin sa Kamara
MANILA, Philippines -Maraming mga re-elecÂtionist at baguhang miÂyembro ng Liberal Party ang nagwagi sa MaÂbabang Kapulungan ng Kongreso kaya’t patuloy pa rin na mamamayagpag ito sa Kamara.
Sinabi ni Majority LeaÂder at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na karamihan umano sa mga tumakbong re-elecÂtionists at baguhang kongresista ay miyembro ng LP.
Tiwala din ang mamÂbabatas na mananatili sa kaniyang puwesto si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. bagama’t maÂlaki ang posibilidad na tapatan ito ng presidente ng Lakas-CMD na si Leyte Rep. Martin Romualdez.
Si Romualdez ay siyang napipisil ni out-going House Minority Leader Danilo Suarez na ipapalit sa kaniyang puwesto.
Aminado naman ang mambabatas na meron ding mga distrito kung saan natalo ang mga LP members, subalit lamang pa rin umano ang nanalo sa pagka-kongresistang LP.
Ngayong 16th CongÂress ay aabot umano sa 110 na kongresista ang kasapi ng LP.
- Latest