^

Police Metro

Standoff II sa mansion ni Bong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa ikalawang pagkakataon ay mu­ling nabulabog ang mansion ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Brgy. Panapaan, Ba­coor City, Cavite nang ito ay palibutan ng puwer­sa ng pulisya kahapon ng umaga.

Sinabi ni Chief Supt. Rommel Estolano, Spo­kes­man ng Cavite Po­lice, naniniwala ang pulisya na may mga loose firearms sa mansion ni Senador Revilla at nagtatago rito ang nasa 30 armadong ahente ng NBI.

Sinabi ni Estolano na hinihintay pa nila ang search warrant na iisyu ng korte bago pasukin ang mansion ni Revilla.

Magugunita na noong Lunes sa mismong araw ng eleksyon ay pinalibutan ng puwersa ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Regional Provincial Safety Battalion (RPSB) at Bacoor City Police ang mansion ni Revilla matapos na umano’y magtago rito ang mga armadong kalalakihan na kanilang tinugis.

Dito ay naaresto ang limang ahente ng NBI at isa nitong organic personnel na ayon kay Estolano ay sinampahan na ng kasong usurpation of authority, paglabag sa election gun ban at hindi otorisadong pagsusuot ng uniporme bagaman nakalaya matapos na magpiyansa.

Inakusahan naman ni Revilla ang Cavite Police ng ‘political harassment’ dahilan nagpapagamit umano ang kapulisan sa lalawigan sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Sa panig ni Revilla, sinabi nito sa isang television interview na hihi­lingin niya sa korte na mag-isyu ng ‘writ of amparo’ upang huminto ang Cavite Police sa umano’y pangha-harass sa kaniyang pamilya.

Idinagdag pa nito na sa pagbubukas muli ng sesyon ng Senado ay mag­susumite siya ng resolus­yon upang paimbestigahan ang insidente.

Inihayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr. na handa ang kapulisan na humarap sa ipatatawag na imbestigasyon ni Revilla sa Senado.

Naninindigan naman si Cerbo na umakto lamang sila sa isang impormasyon hinggil sa umanoy 5 sasakyan ng mambabatas na nakaparada  sa labas ng compound nito at kargado ng iba’t ibang armas kaya nagsagawa ng operasyon ang pulisya.

BACOOR CITY POLICE

CAVITE PO

CAVITE POLICE

CHIEF SUPT

ESTOLANO

GENEROSO CERBO JR.

REGIONAL PROVINCIAL SAFETY BATTALION

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with