5 kelot itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang limang lalaki nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan naganap kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga sa Bayog, Zamboanga del Sur.
Batay sa ulat, naganap ang unang pamamaril sa Brgy. Buboan, Bayog ng lalawigan bandang alas-8:30 ng gabi kamakalawa na kung saan ay nasawi noon din sina Dionisio Manos, 67; Vivencio Balido, 47 at Julito Isig, 20; na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong kalalaÂkihan at binistay ng bala ang naturang mga biktima.
Kahapon ng alas-9:00 ng umaga nang pagbabarilin ang dalawa pang botante sa Brgy. Kahayagan ng nasabing bayan na kinilalang sina Dexter Calunsag, 20; at Michael Mendoza, 22; pawang residente ng natuÂrang lugar.
- Latest