^

Police Metro

Biyenan na nagbanta, inutas ng manugang na hilaw

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang 62-anyos na biyenan ng kanyang ma­nugang na hilaw dahil sa pagbabanta umano ng una na siya ay papa­ta­yin at susunugin pa ang kanyang mga anak na na­ga­nap ka­makalawa sa Tondo, May­nila.

Ang biktima na na­ma­tay noon din ay na­ki­lalang si Victorino Pi­ngoy, biyudo, residente ng Bldg. 26, Unit 127 Ka­tuparan, Vitas, Tondo.

Agad din nadakip ang suspek na si Randy Pe­ne­ro, live-in partner ng anak ng biktima na si Eva Pingoy.

Batay sa ulat, dakong alas-8:25 ng gabi ay ka­ba­balik lang ng suspek mula sa pagbabakasyon ng 5 buwan sa Bicol nang makaalitan ang biyenan dahil sa paninita nito na tamad ang una.

Sa sobrang galit ng suspek, kumuha umano ng kutsilyo sa lababo at inatake ang biyenan ng saksak habang nakaupo at nagpapahinga sa terrace.

Ayon sa  suspek  noong Disyembre ay binugbog siya ng biyenan at pina­la­yas gayung helper na­man siya sa tindahan nila sa Divisoria.

vuukle comment

AYON

BATAY

BICOL

DISYEMBRE

DIVISORIA

EVA PINGOY

RANDY PE

SHY

VICTORINO PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with