^

Police Metro

Magpinsan na holdaper nadakip sa safehouse

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na mi­yembro ng Waray-Waray Group na responsable sa serye nang panghoholdap sa bangko ang nadakip nang salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang  safehouse sa Parañaque City.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Cayo Longcop, 28 at ang pinsan nitong Ronaldo Longcop, 47, kapwa residente ng Barangay Manggahan Bukid I , Merville ng lungsod habang nakapuslit ang sinasabing lider ng grupo na si Noli del Monte, na wanted sa  kasong frustrated homicide.

Nabatid na ang mga suspek ay siyang responsable sa panghoholdap sa BDO sa Imus, Cavite at  isang money changer sa Metropoint sa Pasay City.

Ang pagsalakay ng NBI AOCD ay batay sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Marino dela Cruz Jr., ng Manila Regional Trial  Court, Branch 22.

Nabatid na Nobyembre 2012 nang i-surveillance ng NBI ang mga galaw ng grupo hanggang sa makumpirmang bumili pa ang grupo ng gra­nada.

vuukle comment

BARANGAY MANGGAHAN BUKID I

CAYO LONGCOP

CRUZ JR.

JUDGE MARINO

MANILA REGIONAL TRIAL

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

RONALDO LONGCOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with