^

Police Metro

Tricycle salpok sa bus: 9 Todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong babae at da­lawang lalaki na sakay ng isang tricycle ang namatay noon din matapos na salpukin sila ng isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway, Calauag, Quezon.

Sa inisyal na ulat ni PO1 Jericho Pastrana ng Calauag Provincial Police Station, dakong alas-7:30 ng umaga sa nasabing highway nang maganap ang aksidente.

Nabatid na mabilis umano ang takbo ng tricy­cle at nag-overtake sa nasa unahang sasakyan at dito ay hindi na niya maiwasan ang kasalubong na Arandia Bus Liner at nasalpok ito.

Sa lakas nang salpok ay halos parang pinitpit na lata ang nangyari sa tricycle at napisak ang mga biktima sa loob nito na dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Wala naman umanong nasaktan sa sakay ng nasabing bus.

Nakilala ang mga nasawi na sina Natividad Breva, 51; Federico Ebiernas, 44; Leticia Ebiernas, 43; Jackielyn Casabon, 29; Krizel Pera, 14; Glicel Casabon, 9; Da­niela Oland, 9; Kathleen Casabon, 7; at Redentor Ingete Olanda, driver ng tricycle.

Patuloy ang imbestigasyon ng Calauag PPO sa nasabing insidente.

ARANDIA BUS LINER

CALAUAG

CALAUAG PROVINCIAL POLICE STATION

FEDERICO EBIERNAS

GLICEL CASABON

JACKIELYN CASABON

JERICHO PASTRANA

KATHLEEN CASABON

KRIZEL PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with