Yellow power sa caloocan, wagi sa survey
MANILA, Philippines - Mangingibabaw o mananalo sa halalan bukas ang Yellow Power sa Caloocan City, partikular sa mayoralty race, matapos lumabas ang pinakahuling survey ng Pulse Asia na nagpapakita ng kalamangan ng mga kandidato mula sa Liberal Party kontra sa mahigpit nilang katunggaling partido na United Nationalist Alliance (UNA).
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, lumitaw sa huling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Mayo 1-2 ang pagkalamang ni LP mayoralty candidate RJ Echiverri laban sa kalaban na si Rep. Oca Malapitan ng UNA.
Nakakuha si RJ ng 47 porsyento laban sa 45 porÂsyento ni Malapitan.
Isinagawa ang face-to-face interview sa mga resÂpondents mula sa first at second district ng siyudad kung saan lumitaw na ang nakararaming botante sa 102 mula sa 188 barangay sa Caloocan ang pabor na ang batang Echiverri ang susunod nilang alkalde ng lungsod.
Ang 2 porsyentong lamang ni RJ laban kay MalaÂpitan ay inaasahang lalo pang magpapalawak sa agwat ng distansya ng kanilang laban dahil kumakatawan ito sa mahigit na 11,000 boto.
Naniniwala ang nakaÂraraming residente ng CaÂlooÂcan na mas magiging maÂhusay na lider si RJ dahil sa kanyang edukasyon at karanasan sa pulitika, dagdag pa ang mga natutuhan niya sa pamumuno ng kanyang amang si Mayor Enrico Echiverri.
Samantala, nakatitiyak na rin ng tagumpay sa pagiÂging kongresista ng Unang Distrito ng Caloocan ang nakatatandang Echiverri matapos itong makakopo ng 56 porsyento laban sa 36 porsyento na nakuha ni Coun. Along Malapitan.
Inaasahan naman na makakabawi pa hanggang sa Lunes, araw ng eleksyon, si LP Second District congressional candidate Vice Mayor Egay Erice na nakakuha ng 36% sa survey, kasunod ni incumbent Rep. Mitch Cajayon (LAKAS–KAMPI) na may 39% trust rate. Ang pambato ng NationaÂlist People’s Coalition na si Baby Asistio ay nakapagtala lamang ng 20%.
- Latest