Sa panawagang magtipid sa kuryente… may-ari ng mga mall tumugon
MANILA, Philippines - Tumugon ang mga negosyante at may-ari ng mga mall sa naging panawagan sa kanila ng Department Of Energy (DOE) matapos na pumayag ang mga ito na magtitipid o babawasan nila ang paggamit ng kurÂyente upang maiwasan ang malawakang brown-out sa gaganaping election sa bansa bukas.
Natuwa naman si DOE Secretary Jericho Petilla sa naging hakbangin ng mga negosyante at mga may-ari ng mga shopping mall. Sa halip na alas-10:00 ng umaga, magbubukas ng alas-12:00 ng tanghali ang mga shopping mall sa araw ng halalan.
Kabilang sa mga shopping mall na tumugon sa paÂnawagan ng DOE ay ang SM mall, Robinson’s mall, pitong Ayala mall at iba pa. Suspendido naman ang operasyon ng mga opisina ng Puregold para lamang makatipid sa kurÂyente.
- Latest