^

Police Metro

Dayo sa baseco binistay ng bala

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binistay ang isang hindi pa kilalang lalaki na nagtamo ng 11 tama ng bala sa katawan ang natagpuang duguang nakahandusay at wala ng buhay sa Baseco, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Walang nakitang anu­mang identification cards kaya inilarawan na lamang ni SPO3 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 35 hanggang 40, 5’4 ang taas at baling­kinitan ang  katawan,  nakasuot ng dalawang magkapatong na t-shirt, (kulay itim at isang pula) asul na jacket, pink na pantalon, asul na baseball cap at  tsinelas na itim.

Ayon kay SPO3 Lingcong, ganap na alas-10:00 ng gabi ng matagpuan ang biktima.

Hinala ang imbestigador na may kaugnayan sa iligal na droga ang motibo sa pamamaslang dahil dayo lamang sa lugar ang biktima.

Isang Camarudin Silungan, 41, tricycle driver ng Block 9, Baseco, Tondo, ang nagpahayag na habang nakikipaglaro siya ng chess sa loob ng kanyang bahay nang maka­rinig siya ng sunud-sunod na putok.

Lumabas ng bahay at doon niya nakitang may lalaking duguan na naka­lugmok.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima at upang madakip ang salarin.

vuukle comment

AYON

BASECO

BINISTAY

HINALA

ISANG CAMARUDIN SILUNGAN

LINGCONG

LUMABAS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with