Gapan hiniling na isailalim sa Comelec control
MANILA, Philippines - Hiniling ni Gapan City mayoralty bet Dra.Maricel Natividad sa Commission on Elections (Comelec) na isailalim ang kanilang lungsod sa ahensiya matapos barilin at mapatay ang kanyang poll watcher lider na si Rachel Navarro noong Abril 18 at pagbaril din at pagkasugat sa kanyang political lider na si Marvin Borja noong Mayo 9.
Ayon kay Natividad, nakakalungkot isipin na tila pangkaraniwan lamang ang krimen at hindi man lamang inireport sa media at wala ring naisampang kaso laban sa mga suspek na bumaril ng apat na beses sa ulo ni Navarro.
Noong Mayo 9, nang barilin ng dalawang laÂlaking nakasakay sa motorsiklo si Borja, habang ito ay papasok ng kaniyang bahay.
Naging sunod-sunod ang mga insidente ng pamamaril, paghahagis ng granada, pananakot at panggugulo sa lugar na kinatatakutan ng mga mamamayan kaya’t nais nilang ilagay sa Comelec control ang lungsod at magpadala ng karagdagang puwersang panseguridad para protektahan ang mga botante at ang mga boto.
Umaapela rin ang kampo ni Natividad na palitan si Ms. LeAnn Ancheta Sta. Ines na kasalukuyang Election Assistant II ng lungsod dahil sa pinsan niya ang kasalukuyang mayor ng lungsod.
- Latest