6 lugar sa MM tututukan ng PNP – TF SAFE
MANILA, Philippines - Dahilan sa mainit na labanan sa pulitika kung kaya’t mahigpit na minomonitor ng PNP-Task Force SAFE (Secured and Fair Elections) 2013 ang 6 lugar sa Metro Manila na ikinokonsiderang ‘areas of concern’.
Tumanggi naman si P/Deputy Director General Ager Ontog, Commander ng PNP Task Force SAFE 2013 na tukuyin ang nasabing mga lugar bunga na rin ng kahilingan ng Sangguniang Bayan member na tutol na ianunsyo sa publiko na ‘areas of concern’ ang mga nasasaklaw ng kanilang hurisdiksyon.
Kapwa all systems go na ang PNP at AFP sa ipaÂtutupad na seguridad para sa midterm polls upang matiyak ang tagumpay nito.
Samantala, bagaman hindi tinukoy ni Ontog ang naturang mga lugar na itinuturing na ‘areas of concern’ ay naging laman ng mga balita nitong mga nagdaang araw ang mga kaguluhan sa banggaan ng mga kandidato sa mga lungsod ng Maynila, Taguig at Caloocan.
- Latest