^

Police Metro

RJ Echiverri sinuportahan ng 25 party-list

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama sa iisang layunin ang iba’t ibang party-list groups upang suportahan ang kandidatura ni Liberal Party (LP) mayoralty bet Ricojudge Janvier “RJ” Echiverri sa Caloocan City.

Pinangunahan ni Echiverri ang ginanap na Multi-Sectoral Convergence Meeting sa Bagong Silang, Caloocan City na dinaluhan ng mga grupong Filipinos With Disabilities, Sanlakas, Kabagis, Ating Guro, Agham, ACT-CIS, Abakada, Bagong Hene­rasyon, Akbayan, AMA (Senior Citizens), Bayan Muna, 1-Sagip, PISTON, Akap-Bata at marami pang ibang party-list groups.

Nagkaroon ng open forum sa ginanap na programa kung saan ay binigyan ng pagkakataon ang iba’t-ibang party-list na magtanong kay Echiverri kung ano ang magagawa nito sa kanilang sektor na inirerepresenta.

Isa-isa namang sinagot ni Echiverri ang mga katanungan ng mga ito at base na rin sa kinalabasan ng open forum ay napahanga ang iba’t-ibang party-list groups dahil sa pagi­ging matapat ng mga sagot nito sa kanilang tanong.

Kabilang sa mga pa­ngunahing tanong ng mga ito kay Echiverri ay kung ano ang magagawa ng LP mayoralty bet sa mga senior citizen na kadalasang nababalewala ng lipunan na sinagot naman nito ng kasiguruhan na mas higit pang atensiyon ang kanyang ibibigay sa mga ito bukod pa sa bibigyan ang mga matatandang residente ng tanggapan sa bawat barangay upang hindi na mahirapan ang mga ito na magtungo sa mas malalayong lugar.

Tiniyak din ni Echiverri ang pagtulong sa mga may problema sa National Housing Authority (NHA) at idinagdag pa nito na kapag sila na kanyang amang si Enrico “Recom” Echiverri na tumatakbong kinatawan ng unang distrito, ang nakapuwesto ay pagtutulungan nila ang pagbibigay ng solusyon upang mapadali ang pagkakaroon ng sari­ling bahay at lupa ng mga mahihirap na residente na walang sariling tinitirhan.

Naging sentro din ng ginanap na pagtitipon ang paglagda ng mga pangunahing personalidad sa Ten-Point Agenda kung saan nakasaad ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga may kapansanan at ang mga napag-usapan sa naturang pagtitipon.

Nang matapos na magsilagda sa pangunguna ni RJ na sinundan ng mga kinatawan ng bawat party-list groups ay nagpalipad ng lobo na kulay dilaw ang mga ito bilang tanda ng pagtupad sa mga nilalaman ng mga nilagdaang kasundaan sa pagitan ng mga ito.

 

ATING GURO

BAGONG HENE

BAGONG SILANG

BAYAN MUNA

CALOOCAN CITY

ECHIVERRI

FILIPINOS WITH DISABILITIES

LIBERAL PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with