^

Police Metro

Rica Tinga inisnab muli ang peace covenant

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa hindi malamang kadahilanan ay muling inisnab ni mayoralty candidate Rica Tinga ang pagpupulong na itinaguyod ng Pastoral Council  for Responsible Voting (PPCRV) para sana sa mapayapang halalan sa Taguig City.

Ang pulong na isinagawa kahapon sa St. Martha Parish sa Kalawaan, Pasig City na dinaluyan ni incumbent Mayor Lani Caye­tano at mga kinatawan ng Commission on Elections (COMELEC), Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) at Philippine National Police (PNP).

Ito ang ikalawang pagkakataon na di-sinipot ni Tinga ang aktibidad ng PPCRV na may kinalaman sa orderly and peaceful elections. Wala rin si Tinga sa lagdaan ng peace covenant nong Marso na ginawa sa St. Anne Parish sa Barangay Sta. Ana sa Taguig.

Layunin ng dayalogo na maiwasan ang karahasang naganap katulad noong nagdaang Sabado sa Taguig City Hall matapos magpumilit si Tinga at mga tagasunod nito na pumasok sa city hall building.

Si Mayor Lani na dumalo sa dalawang pag­titipon ay iginiit ang kanyang commitment para sa peaceful and orderly elections. Kasabay nito, inihayag din ng alkalde ang kanyang pag-asa na wala nang magaganap na katulad na insidente.

BARANGAY STA

MAYOR LANI CAYE

PASIG CITY

PASTORAL COUNCIL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESPONSIBLE VOTING

RICA TINGA

TINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with