Pinagbabaril habang nangangampanya… kandidatong mayor tinodas
MANILA, Philippines - Isang linggo bago sumapit ang halalan, isang kandidato sa pagka-alkalde ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek habang ito ay nangangampanya sa mga residente ng bayan ng San Jose, Tarlac kamakalawa ng hapon.
Namatay noon din ang biktimang si Rudy Abella, brgy. chairman na tumatakbo sa pagka-alkalde sa nasabing bayan sa ilalim partido ng Lakas -Christian and Muslim Democrats.
Batay sa ulat ni Tarlac Provincial Office (PPO) Director Sr. Supt. Alfred Corpuz dakong alas-5:10 ng hapon ay kasalukuyang nangangampanya si Abella sa mga residente sa Sitio Sta.Cruz, Brgy. Iba ng bayang ito nang biglang sumulpot ang nag-iisang lalaki at pagbabarilin ang biktima.
Tatlo namang sa mga kasamahan ng gunman ang nagsilbing lookout sa krimen na naganap.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang anggulong pulitika sa kaso habang sinisilip din ang iba pang posibleng anggulo sa motibo ng krimen.
- Latest