^

Police Metro

Taguig, Maynila ‘di pa areas of concern

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa maitutu­ring na ‘areas of concern’ o hotspot ang mga lungsod ng Maynila at Taguig kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay Chief Supt. Miguel Antonio, Deputy Task Force Commander ng SAFE (Secured and Fair Elections) 2013, pawang mga isolated case lamang ang insidente sa naturang mga lungsod.

Noong Sabado dakong alas-9:00 ng umaga ay si­nugod ng nasa 40 mga sup­porters ni Taguig City mayoralty candidate Rica Tinga  ang Taguig City Hall upang mangampanya sa mga empleyado dito.

Nagkagulo nang mambato ang mga suppor­ters ni Tinga kung saan sinugod din ang mga ito ng mga security personnel na ikinasugat ng 12 nitong tagasuporta at isa sa mga nasugatan ay si Ervic Vijandre, actor model at kandidatong konsehal.

Sa naturang komprontasyon ay sugatan din sina Jalanie Datumanong at Ngura Malik; pawang ka­sapi naman ng POSO

Sa lungsod ng Maynila ay nasugatan naman ang supporter ni vice mayo­ralty candidate Isko Moreno matapos ang mga itong pagbabatuhin ng mga bote ng mga supporter naman umano ni re-electionist Manila Mayor Alfredo Lim sa isang pagpupulong dakong alas-11 ng gabi sa Brgy. 498, sa panulukan ng Maria Clara at Crisostomo, Sampaloc.

vuukle comment

CHIEF SUPT

DEPUTY TASK FORCE COMMANDER

ERVIC VIJANDRE

JALANIE DATUMANONG

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MARIA CLARA

MAYNILA

MIGUEL ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with