^

Police Metro

Lalaki dinakip sa mga pekeng dolyar ng CIDG at BSP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kilalang tauhan umano ni Bukidnon governor Jose Zubiri ang nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Barangay Tablon, Cagayan de Oro City na may dalang pekeng dolyar na tinangkang ibenta sa halagang P1.6 milyon.

Kalat na kalat ngayon sa buong Mindanao ang pagkaaresto ng CIDG kay Rogelio Gaid, 57, residente ng Kitaotao, Bukidnon at kilalang tauhan ng pamilya Zubiri sa naturang lalawigan.

Nadakip si Gaid sa entrapment operation at tinangka pa umanong i-news blackout ng isang Atty. Baba Garcia kasama ang isang bodyguard ni Valencia Mayor Leandro Catarata na kapwa kilalang maka-Zubiri ang pangyayari ngunit nai-ere na ito ng Bombo Radyo.

Nagkaila pa si Gaid sa pagsasabing hindi sa kanya ang iba’t ibang denominasyon na nagkakahalaga ng $41, 548 ngunit isang impormante ang nagsabing ipapapalit ang pekeng dolyares sa piso para may magamit sa pamimili ng boto.

Pinabulaanan ng mga Zubiri na tauhan nila si Gaid ngunit kilala ng taga-Bukidnon na matagal nang lider ng naturang pamilya ang suspek na nakapiit ngayon.

BABA GARCIA

BANGKO SENTRAL

BARANGAY TABLON

BOMBO RADYO

BUKIDNON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GAID

JOSE ZUBIRI

ORO CITY

ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with