2 Bata natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng buong katawan ang dalawang 4-anyos na baÂtang lalaki na kinilalang sina Arjun Salombre at Jaybrix Jacobe, kapwa reÂsidente ng no. 2527 BluÂmentritt Ext. kanto ng Felipa St., Sampaloc, Maynila nang ma-trap sa loob ng kanilang bahay matapos masunog ang isang commercial-resiÂdential area kahapon ng umaga.
Sa ulat, naglalaro umaÂno ang dalawang paslit nang magsimula ang sunog sa ikalawang palaÂpag ng bahay ni Myla Florendo, dakong alas-11:30 ng umaga na umabot sa ikatlong alarÂma bago idineklarang fireÂout dakong alas 11:59 ng tanghali na kung saan ay apat na bahay ang nadamay na kinabiÂbiÂlaÂngan ng bahay ng mga biktima.
- Latest